As I managed to get hold of poems from my high school days maybe it ain't bad to share them here.
*Pagkakasala bang umibig sa Isang Kaibigan?*
Alam na ako'y nagkasala
Di matanggal sa alaala
SA tulad kong nasasakdal
Sa pag-irog sa kaibigan
Bakit ganito ang naramdaman?
Sa aking matalik na kaibigan
Bawat kilos'y minamanmanan
Inaabangan ng pusong sumuko
Pilit ko mang aminin
Ito'y isang pagkakasala
Na nakakabit sa alaala
Sa tagal ng pinagsamahan
Sa bawat pagtanggi
Isipa'y nagwawagi
Sa pusong sutil
Damdamin ay kinikitil
Pusong manhid na
Sa sakit na dinadanas
Madaming taong nakapuna
Sa sakit na iniindya
Damdaming ito'y di mababaw
Siyang nagsilbing tanglaw
Sa buhay na madilim
at panay dusa lamang.
*Kasalanan bang Magmahal?*
Kasalanan bang magmahal?
Nang wagas at tapat
Para sa puso'y nararapat
Ito'y aking tanging dasal
Dalangin na tumutulong
Sa pag-abot ng pangarap
Upang makaranas ng sarap
Sa isang matiyagang pagsulong
Pagsulong na ito'y daan
Sa masigasig na pagtupad
Na sa kahit anung paraan
Sa pangarap na mataas
Kung ako man ay mali
Na sa tulad mo'y umibig
Di ko man talagang ibig
Damdamin ko'y itatali
Pag ito'y di mo tanggap
Ako'y hayaan na
Ika'y mahalin at ipalasap
Pag-irog na malalim at wagas na
Dahil sa pusong 'di matuto
Di nawawaglit na di ito susuko
Damdaming nagpapagulo ng isip ko
Dapat ito'y matanto
Sa sarili'y aking matanto
Puso'y dapat wala ka na
Oh, sa dinami dami ng sana
Puso'y dapat matuto na
Makaramdam man ng takot
Sa damdaming sangkot
Ito'y dapat maintindihan
Lalo matutunan.
Pero sa ngayon
Hayaan nang magmahal
Pakiusap sa ibig ay umayon
Pagkat ito'y aking dalangin
Kung sa'yo man ay kaibigan o kapatid
Akin rin mababatid
Sa damdaming aking pinagdadaanan
Wla man kahihinatnan.
*Wala*
Bakit mo nagawa
Bagay na di kaibig-ibig
Wala ka bang awa
Sa aking pag-ibig?
Sa paglipas ng panahon
Bawat pagbagsak ng dahon
Para sa'yo nagpakatatag
Nanatiling tapat
Umiwas sa tukso
Pagkat tapat sa sumpaan
Tayo'y magmamahalan
Wagas at habang buhay
Ngunit bakit mo ginawa?
Bagay na sadya at walang awa
Ika'y nagpadala sa tukso
Paano na aking puso?
Ano pa ang mapapala natin?
Sumpaan iyo'y binalewala
Dahil sa tukso ika'y nagpadala
Lahat lahat ay nauwi sa WALA!