Tuesday, October 6, 2009

Emotional Poems *

Other poems found and was written during my high school days.

* Bakit? *
Bakit kailangang matapos
Relasyong gumagapos
Sa dalawang taong magsing-irog
Tila walang makakasira

Relasyong pagkaganda-ganda
Wala kang maipipintas pa
Ako ba'y nananaginip pa?
Sana ito'y magtagal pa.

Ngunit bakit nagkaganito?
Relasyong aking pangarap
Bigla na lang naging bato
Nabasag aking pangarap

Relasyon natin sadyang sayang
Ako ba'y nagkulang?
Puso't isipan ay nanghihinayang
Sa mapait na kinasapitan.




* Saan Nagkamali? *
Anong nangyari?
Sa iyong pangako
Relasyon natin ay nayari
Pangako mo'y napako

May nagawa bang mali
Bagay na hindi mo ibig
Tila ba'y napakadali
Mawala ang iyong pag-ibig

Saan ako nagkamali?
Para mangyari ito
Koneksyong sa atin ay tumatali
Bigla na lamang mababali

Sa iyo ba'y nagkasala
Ano ba ang nagawa?
Para mo nang awa
Bakit pag-ibig'y biglang nawala?

Aking mga pagkakamali
Sana'y ako'y patawarin
PAgkat puso'y sa'yo nakatali
Mawalay sa iyo'y aking ikakalumbay.


-Ayie