Alam mo baby, andami dami ko gusto sabihin sayo. Hindi ko nga lang alam kung kasya ang isang araw para masabi ko sayo ang lahat lahat. Siguro hindi matatapos ang pasasalamat ko sayo. Ang sa akin lang lagi mong tatandaan na kahit na malayo tayo sa isa't isa at medyo mahirap ang mga bagay bagay na ating haharapin sa bukas na darating ay andyan ka at sabi mo pa nga sa akin ay hinding hindi mo po ako iiwan. Sobrang grateful po ako at dumating ang isang "Hessler" sa buhay ko upang iparamdam sa akin ang tunay kong halaga at turuan ako paano dapat pahalagahan ang sarili ko at ang mga taong nagmamahal din sa akin. Sobrang laki ang naging epekto ng presensiya mo sa pagiging masaya ko ngayon. Ewan ko po ba kasi nabalik mo po ang dati kong sigla at gawa nun lalo ka pong napamahal sa akin.
Alam mo ba mahal ko, iba ka sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko. Bakit? Hmm, Dati kasi sa pagmamahal ko sa ibang tao nakakalimutan ko na ang pagpapahalaga at pagmamahal sa aking sarili; maging ang ibang tao na nagmamahal sa akin ay naisasantabi ko na lang dahil sa gusto ko na maging maligaya ang taong aking minamahal. Pero sobrang iba ka po, kasi po pinakita mo sa akin at ginising mo ako sa aking katangahan. Na dapat hindi ako ganun, natuto man ako hindi pa huli ang lahat, yun ay gawa ng tulong mo.
Mula nang naging tayo, sobrang saya ko po. Wala po kasing dull moment. Kahit na malayo ka sakin, hindi mo pinaramdam sakin na nag iisa ako. Iyon pa lang ay sapat na para masabi ko na dapat nga talaga po kitang mahalin. Marami akong bagay na hindi maipaliwanag, basta ang alam ko po mahal na mahal po kita. Sana po sa paglipas ng panahon ay lalo pa tayo maging matibay sapagkat hindi ko alam anu ang mangyayari sa akin kung mawawala ka po. :(
Medyo korny man ang dating ng message kong ito, wala eh. Sabi nga nila, nagiging korny talaga ang isang tao pag nagmamahal na talaga sya.